Pagbigyan na.
Ako yong tipo ng kaibigan na laging andiyan pag kailangan mo ako. Pag kailangan mo ng clown, handa ako maging tanga para sa’yo. Pag kailangan mo ng unan, pwede din ako. Pag kailangan mo ng likurang masasandalan, handa ako kahit uhog mo pa bumasa sa damit ko, ayos lang, mahal kita eh, ganyan ako sa kaibigan.
Nitong mga nakaraang araw, pilit kong nilalayo ang sarili ko dahil nakakapagod maging kaibigan eh, dumating na ako sa puntong, gusto ko ng sumigaw na ako naman, ako naman. Magkukuwento ako, biglang may sisingit na problema nila, kaya don na napunta usapan. Wala ng makakaalala na si ako pala ang may kailangan maghinga ng sama ng loob. Nakakasakit. Nakakalungkot. Nakakaewan.
May nakapansin. Si lalaking bestfriendd na di na ako katulad ng dati, umuuwi agad, di na sumama sa mga lakaran at kung ano pang trip. Sinabi niya yong mga napapansin niya. Ako naman, todo-deny! Kaso, kanina, di ko na talaga kaya, tinext ko siya, sinabi ko nararamdaman kong kalungkutan at sakit, Inangyan! Andami niyang sinabi na tama at totoo, na shit do happens at reality won’t be the same as yesterday. Mas lalong tengene. Tamaan ako. Shets lang.
Andami kong kaibigan. Piling-pili yan, alam ko maasahan mga yan. Pero, ampota lang talaga ng buhay. Kaibigan lang pala pag sila ang may problema. Ako ba di nagkakaproblema, parang ganon kjasi tingin ng lahat eh. Ansakit lang. DI ako makapagrant gaya ng ginagawa nila sakin. Di ako makapagbuhos ng sama ng loob. Ako lang mag-isa ang lumalaban sa sarili kong problema. Wala akong mahingahan. Ang sikip na ng dibdib ko. Di ko na kaya. Palabas na ang taksil kong luha. Wala na, talo na ako, ngayon pa lang.
Isa na lang ang nagpapalakas sakin ngayong, si lalaking bestfriend na kaya akong tignan sa mga mata, at kaya akong basahin.
Tama na. Masakit na. Kung ang role ko lang talaga eh maging kaibigan, yaan ko na. Ako na lang ang kaibigan ko. Nakakasawang maghanap ng kaibigan na kaya kang pakinggan.
I will be back to the old me, laughing and crying with friends, when all I want to do is cry my heart out.
Pagod na talaga ako. Yaw ko na. Ang hirap pala.
Ansakit.
Ang hirap.
Ampait.
Suko na ako.
Ako na lang.
Kaya ko na to mag-isa.
Di na ako aasa sa iba!
